Answer:
Ang Kabihasnang Minoan
Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete sa pagitan ng 3000 at 2000 BCE. Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni Haring Minos na sinasabing naghari noon doon. Ang mga ninuno ng ng taga-Crete ay nanggaling sa Anatolia at Syria. Sila ay magagaling na mandaragat at dumating sa Crete sa pagitan ng 4000 at 3000 B. C. E. Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos, matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Lahat ng daan sa Crete at nagtatapos sa Knossos. Ang iba pang mahahalagang lugar ng kabihasnang Minoan sa Crete ay Phaestos, Gournia, Mallia at Hagia Triadha.
Hope it helps!