Panuto: Ipabasa sa kasama sa bahay, pakinggan at suriing mabuti ang nilalaman ng sanaysay- talumpati. Gumawa ng 10 makabuluhang tanong sa mga katwirang binibigyang-diin at isulat sa loob ng kahon. .
Hanggang hindi nakapaglilingkod ang isang nilalang sa kanyang kapwa, ay hindi nya maaaring masabing natupad na nya ang dahilan ng pagkakalikha sa kanya at maging karapat- dapat na mamamayan sa langit. Hanggang hindi nya naibabahagi ang kanyang kakayahan tungo sa ikabubuti ng bayan at kaluwalhatian ng Diyos ay hindi niya maaaring angkinin na ang kanyang buhay ay isang tagumpay. At bilang pagwawakas, hayaan ninyong ibahagi ko ang mga pangungusap na nagsisilbing patnubay at liwanag sa landas na aking tinatahak. Kahit na nasa akin ang kapangyarihan at pananalig na mapakikilos ang matarik na bundok, kung wala naman akong pag-ibig, ay wala akong silbi sa daigdig. Kahit na ang puso ko ay punung-puno ng pag-ibig kung hindi ko naman magagamit sa mga taong kapus-palad, ang mga bagay-bagay na nasa aking mga palad ang nakatutulad ko'y isang instrumentong walang nalilikha ay ingay. Kahit na taglay ko pa ang karunungan ng mga propeta't mga henyo, kung hindi ko naman magagamit para sa kabutihan ng ating bayan at sa kaluwalhatiaan ng Diyos, hungkag ang aking buhay Ako ang pinakadakilang handog ng Panginoon sa aking sarili.. Kung ano man ako na maging sa kinabukasan, ay siya kong pinakadakilang handog sa Panginoon. 1) 2) 3) 5) 6 7) 8) 9 10)