Si Marisang Mapalad Si Marisa ay isang batang ulila. Bata pa lamang nang sabay na mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Sa kabila ng kanyang masakit na pinagdaanan, maituturing pa rin siyang maswerte. Dahil hindi siya pinabayaan ng kanyang tiyahin. Siya ay kinupkop ng kanyang tiyahin na walang anak. Itinuring siya nitong parang tunay niyang anak. Pinag-aral siya. Binibigay ang lahat ng kanyang pangagailangan at pinagkakaloob ang anumang hilingin niya sa kanyang tiya. At higit sa lahat binigyan siya ng isang pamilyang matatawag. Tunay ngang si Marisa ay isang batang napakapalad. 1. sino ang inilalarawan sa kwento? 2. ano ang nangyari sa kanya? 3. bakit sya mapalad? 4. ano ang paksa ng kuwento? 5. bakit itinuturing na mapalad ang isang tao?​