Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya, ang isa sa nangungunang gawaing pangkabu-hayan sa bansa ay pagsasaka. Sadyang malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa 35 bahagdan ang sinasakang lupain sa Pilipinas. Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang mga produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksiyon, maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa.​