Answer:
Ang ating mga karapatan, kung ating iisipin ay isang bagay na libre, na hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait.
Upang mapangalagaan at magkaroon ng kabuluhan ang ating mga karapatan, gamitin natin ito ng naayon at tama, pahalagahan natin ang mga karapatang ating tinatamasa at maayos nating isabuhay ang lahat ng ating mga karapatan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Ang karapatan ay mapapangalagaan lamang kung hindi ito inaabuso ng kahit sino maging ang sarili man.
CORRECT ME IF I WRONG