Ano ang katutubong sining?

Sagot :

KATUTUBONG SINING

  • Amg mga katutubong sining ay tunay na maipagmamalaki ng ating bansa sapagkat maituturing ito na isang pamana ng lahi.

  • Ang katutubong sining o folk art ay mga sining na nilikha o ginawa ng mga partikular na mga katutubong pangkat sa Pilipinas na may kakaibang kagandahan  at disenyo na hanggang sa panahon ngayon lumalaganap parin at patuloy na naghuhumaling.

  • Ang Pilipinas ay mayaman sa mga pangkat o tribo-etniko tulad ng Ifugao, Bontoc, Tboli, Bagobo, Marano, Yakan at iba pang pankat na may sari- sariling kultura na pinagyayaman.

MGA HALIMBAWA NG KATUTUBONG SINING

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng katutubong sining:

  1. Hagdan-hagdang palayan o rice terraces - Matatagpuan ito sa Banaue. Isa ito sa 8 Wonders of the World at itinuturing na World heritage site.
  2. Bulul - Ang Bulul (Bul-ul) ay isang katutunong sining na nililok sa paanyong tao na may kahawig sa mga dios-diosan ng mga katutubo
  3. Taka o Paper Mache - Kilala itong sining sa Paete, Laguna. Isa na ito a pangunahing tumutulong sa ekonomiya ng Paete sapagkat ineexport na nila ito.
  4. Okkir ng Maranao - Ito ay isang kakaibang disenyo na gawa ng mga Maranao. Tumutukoy ito sa  geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao.

Kahulugan ng sining

https://brainly.ph/question/815050

Prinsipyo ng sining

https://brainly.ph/question/2580442

Sining ng Sumerian

https://brainly.ph/question/911289

#LetsStudy