14. dismak! 15 josephine a At Natutong Magluto ng Almusal si Genio ni Nerissa S. Alarde Tuwing umaga, kinasanayan na ni Genio na gumising nang maaga, maghanda ng may para pumasok sa paaralan. Dahil na sa mababang antas pa lamang siya, tinuruan na siya ner kanyang Nanay Minda na ihanda ang sarili sa pagpasok sa paaralan. Dapat, pagkagising sa umaga, ililigpit muna ni Genio ang kanyang kama, iaayos ang mga unan, titiklupin ang kumot at ilalagay sa nakalaang lalagyan para sa mga ginamit sa pagtulog. Matapos na maiayos ang kanyang silid, dapat niyang ayusin naman ang kanyang mga gamit sa paaralan, tinitiyak niya na lahat ng kanyang mga kailangan sa araw na 'yon, tulad ng mga aklat at (1) notebook na kakailanganin niya sa kanilang (2) lesson sa araw na 'yon ay maayos na nakalagay sa kanyang (3)school bag. Hindi rin niya dapat kalimutan ang mga (4) assignments na inihanda niya bago siya matulog. Matapos na maiayos ang lahat, kailangang magtungo na siya sa hapag-kainan. Dahil tiyak nakahanda na ang kanyang almusal na inihanda ng kanyang mahal na nanay. Subalit, isang umaga, nang lumabas ng silid si Genio upang magtungo sa hapag, napansin niyang wala pang almusal na nakahanda sa mesa at wala pa rin ang kanyang nanay na madalas na nauuna pang magising sa kanya upang maghanda ng kanilang almusal. Agad na tinungo ni Genio ang silid ng ina. Nakahiga pa rin si Aling Minda. Lumapit si Genio sa kama. "Anak, mabigat ang pakiramdam ko, napagod yata ako kahapon, hindi tuloy kita naipaghanda ng almusal," matamlay na wika ni Aling Minda sa anak.“ Huwag po kayong mag- alala nanay, ako na lang po maghahanda ng almusal ko," sagot ni Genio. "Marunong ka na ba?” Tanong ni Aling Minda. “Opo Nay, (5) grade six na ako...magagawa ko na kung paano ninyo niluluto ang almusal ko." pagmamalaki ni Genio. "May kanin sa kaldero, kaya mo na bang iluto ang sinangag?" “Yakang-yaka 'nay!” “Pagpirito ng itlog at (6) hotdog, kaya mo na rin ba?” "(7) Chicken!" Pagyayabang ni Genio. *(8) Chocomilk mo, kaya mo na rin ihanda?” Patuloy ni Aling Minda. "(9) No problem 'nay, (10) relax lang kayo, ihahanda ko pati baon ko at almusal ninyo!" pagmamalaki ni Genio. Makalipas nga ang ilang minuto, naihandang lahat ni Genio ang almusal nilang mag- ina, pati na rin ang baon na dadalhin niya sa paaralan. Matapos na magkapag-almusal, masiglang pumasok ng paaralan si Genio. need ko na po ngayun​