Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang letra ng tamang sagot tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buong maghapon ni Mang Erning. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Tungkol saan ang iyong binasa? A. Pagtaas ng presyo ng gasolina B. Ang buhay ng ilang mamamayan C. Iba't ibang pasahero ng traysikel D. Isang araw sa buhay ng isang tsuper. 2. Bakit kaunti lamang ang pasahero ni Mang Erning kapag tanghali? A. Sumasakay sila sa dyip o bus. B. Nakapasok na sila sa eskuwela o sa trabaho C. Walang pasok ang mga estudyante kapag tanghali. D. Ayaw sumakay ng mga pasahero kay Mang Erning. 3. Bakit sinabi ni Mang Erning na may panahon ang kanilang hanapbuhay? A. May mga araw na malamig at may mga araw na mainit. B. May mga buwan na hindi maaaring magmaneho ng traysikel C. May mga araw na malakas ang kita at may mga araw na mahina ang kita. D. May mga araw na nasisiraan ng traysikel si Mang Erning.