usad-pagong - mabagal - Siya ay usad-pagong kung kumilos.
ibaon sa hukay - kalimutan - Ibaon sa hukay ang mga mapapait na ala ala
maitim ang budhi - masama ang ugali - sa kabila ng kaniyang mala-anghel na mukha ay alam ng kaniyang mga kaibigan na maitim ang kaniyang budhi
ilaw ng tahanan - ina - Ang ilaw ng tahanan ay ang ating mga nanay dahil sila ang tagapapanatili ng kaayusan ng ugnayan ng ama at mga anak.
haligi ng tahanan - ama - Ang haligi ng tahanan ay may ginagampanan na malaking obligasyon sa Pamilya. Tungkulin nito na mapanitili ang kaligtasan ng kanyang pamilya.