Answer:
Matatagpuan mo sa bayan mong silanganan
kung ano ba ang tunay na pagmamahalan
Ako, ikaw, siya, tayo ay sabay na lalaban
upang makamit ang magandang kinabukasan
Luzon, Visayas, Mindanao tayo'y magkaisa
sabay sabay nating aangatin ating bansa
pula, asul, puti't dilaw tayo'y wag aayaw
tatlong bituin isang araw tayo ay sumigaw
dahil ang tunay na pinoy ay hindi bumibitaw
Kulay na kayumanggi ay ating ipagmalaki
watawat ng pinas na ating minimithi
sabay sabay tayo, tayo'y wag aayaw
dahil ang tunay na pinoy ay hindi bumibitaw
Ang rasismo ay atin ng tigilan
upang magkaroon ng kapayapaan,
sa mga kabataang pag-asa ng bayan
bansang pilipinas iyong i-ahon sa kahirapan
Explanation:
HOPE IT HELPS.