ano ang istruktura ng daigdig

Sagot :

Istruktura ng Daigdig

  1. Crust - Bahagi ng daigdig na matigas at mabato. Ito ay may kapal na 8 kilometro at ang kapal pailalim sa mga kontinente ay umaabot sa 70 kilometro. Nahahati-hati pa sa malalaking tipak ng batong tinatawag na plate. Pinakaibabaw ng plate ang mga kontinente.
  2. Mantle - Isang patong ng mga batong napakainit dahil dito ang ilang bahagi nito ay malambot at natutunaw.
  3. Core (Outside Core at Inner Core) - Ito ay ang bahagi ng daigdig na nasa kaloob-looban na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa istruktura ng daigdig, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/123240

Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang daigdig ay binubuo ng:

  • Matigas at mabatong bahagi na tinatawag na Crust. Ito ay ang pinakalabas at pinakamanipis na layer ng daigdig na merong 8 kilometrong kapal. Ang crust ay karaniwang binubuo ng bato na tinatawag na granite ngunit ang Oceanic Crust ay pangunahing gawa sa bato na tinatawag na basalt.
  • Nahahati sa dalawang rehiyon ng mantle: upper (ibabaw) at lower (ibaba). Ang mantle ay binubuo ng maiinit na bato na makikita mismo sa baba ng Crust at tumatayang umaabot sa 1,800 milya ang kapal. Maiinit na bato na kung minsan ay natutunaw dahil sa init ngunit matigas pa rin dahil sa pwersang tumatulak dito.  
  • Ang core ay nahahati sa inner core at outer core.  

Ang inner core ay:

  • isang malaking metal na bola na may lawak na 2,500 kilometro at pangunahing gawa sa iron
  • napakainit na may temperaturang 5,000 degree Celsius hanggang 6,000 degree Celsius.

Ang outer core ay:

  • matubig na layer ng iron at nickel na may 5,150 kilometrong lalim
  • Ang galaw ng mga metal ay ang lumilikha ng magnetic field ng daigdig.

Tectonic plates:

  • Malalaking masa ng solidong bato o tinatawag na tectonic plates. Ang paggalaw at pagbabanggaan ng tectonic plates ay ang dahilan ng paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan. Ang tectonic plates ay ang dahilan ng pagbabago-bago ng posisyon ng mga kontinente.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa katangiang pisikal ng daigdig, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/148551

Pagkakalikha ng Daigdig

Sa pagkakalikha ng daigdig, mayroon itong mga teorya:

  • Makaagham - teorya ng mga siyentipiko na may mga iba't-ibang uri:
  1. gas at ulap na nabuo
  2. banggaan ng mga bituin
  3. pagsabog
  • Panrelihiyon - teoryang ayon sa bibliya na nakasaad sa Aklat ng Genesis. Ang daigdig ay pinaniniwalaang gawa ng Diyos.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pagkakalikha ng daigdig, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/315287