Ang kolonyalismo ay tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa para maging makapangyarihan at mapagsamantalahan ang yaman ng sasakupin. Samantalang ang merkantilismo ay kaisipang pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng mga mananakop noong unang panahon. Isinusulong ng ideolohiyang ito na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa pagmamay-ari nito sa maraming ginto at pilak.
Ang kaugnayan ng dalawa ay nasa pananakop. Ang merkantilismo ang kaisipang nagtulak sa mga pinunong gustong-gusto ang pananakop sa pamamagitan ng kolonyalismo. Sinasakop nila ang mga bansang maraming pilak at ginto upang maangkin ang mga ito at maging mas makapangyarihan.
Explanation:
pa brainliess