sino si severino reyes



Sagot :

Kasagutan:

Severino Reyes

Si Severino Reyes ay nabuhay noong Pebrero 11, 1861 at namayapa noong Setyembre 15, 1942. Siya ay isang Pilipinong manunulat at direktor ng mga dula. Ginamit niya ang pangalang Lola Basyang bilang pen name niya.

Si Reyes ay ang ikalima sa magkakapatid na ipinanganak sa Santa Cruz sa Manila. Siya ay isang napakahusay na manunulat at edukado na tao na nag-aral sa iba't ibang mga institusyon o Unibersidad. Nakumpleto ni Severino Reyes ang kanyang Bachelor of Philosophy sa Unibersidad ng Santo Tomas o UST. Si Reyes ay naaresto at nabilanggo dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa Katipunan noon.

#AnswerForTrees

Answer:

SEVERINO REYES

- Si Severino Reyes ay isang tanyag na manunulat at isang kilalang direktor ng mga dula. Siya ay ipinanganak noong Pebrero 11 1861 sa Santa Cruz Manila Philippines. Siya ay nakatago sa pen name na Lola Basyang sa kaniyang mga isinusulat. Nakulong si Reyes dahil sa pagkakaroon ng ugnayan sa katipunan. Siya ay namatay noong Setyembre 15 1942.

#AnswerForTrees