Suriin Natin Gamitin ang iyong karanasan. Ibigay ang maaring maging wakas sa ibinigay na teksto sa bawat bilang. 1. Maaring ikaw ay napagtaksilan na rin. Ano kaya ang maaring maging wakas kapag ikaw ay napagtak silan ng iyong kaibigan? a. maging magkaibigan pa rin kayo b. mag-aaway kayo c. sasama ka pa rin sa kaniya d. mawawalan ka ng tiwala sa kaniya 2. Napagbilinan ka ng iyong mga magulang sa inyong bahay. Naglaro kayo ng posporo ng iyong bunsong kapatid. Ano kaya ang maaring mangyayari? a. Mahuhulog sa hagdan ang iyong kapatid. b. Malulunod kayo ng iyong kapatid. c. Masusunog ang inyong bahay. d. Matutuwa ang iyong mga magulang 3. Nag-aaral ka rin ng mabuti. Ginawa mo ang lahat ng iyong gawain para sa paaralan at natapos mo ito ng may matataas na marka. Ano kaya ang magiging resulta nito? a. Tiyak na makatatanggap ka ng parangal pagkatapos ng taon. b. Tiyak na wala ng tiwala sa iyo ang iyong guro. c. Tiyak na babagsak ka sa iyong klase pagkatapos ng taon. d. Tiyak na kaiinggitan ka ng iyong mga kaklase.