SITUATION ANALYSIS
PANUTO: Basahing mabuti at tukuyin kung anong yugto o hakbang sa pagbuo ng CBDRRM nabibilang ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
B. Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
C. Ikatlong Yugto: Disaster Response
D. Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
_____ 1. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
_____ 2. Tumutukoy ito sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
_____ 3. Dito nagaganap ang pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
_____ 4. Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
_____ 5. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
_____ 6. Dito nagkakaroon ng pagtuturo sa mga paaralan ng mga konsepto ng DRRM Plan. _____ 7. Sa yugtong ito nagkakaroon ng pagbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk,
capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
_____ 8. Sa bahaging ito sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang
hazard.
_____ 9. Tinutukoy sa yugtong ito kung bahagya o pangkalahatan ang pagkasira ng mga ari-
arian dulot ng kalamidad.
_____ 10. Nakapaloob sa bahaging ito ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain

para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
_____ 11. Sa yugtong ito, sinisiguro ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot.
_____ 12. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagsusuri sa mga sumusunod: Elements at risk, People at risk, at Location of people at risk.
_____ 13. Dito isinasagawa ang pagbibigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
_____ 14. Dito tinutukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.
_____ 15. Sa bahaging ito, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran