Sagot :
Answer:
Ang Alamat ng Aking Pangalan
Bawat tao sa mundong ito ay may pangalan. Ang nakatataka lang, bakit nga ba may pangalan ang tao? Ano kaya ang halaga ng pangalan na ibinigay sa atin? Bakit nga ba may pangalan tayo? Saan kaya nanggaling ang pangalan natin? Ito ang mga tanong na pumasok agad sa aking isipan. Bawat isa sa atin may iba't ibang kuwento kung saan nanggaling ang ating pangalan.
Sa isang mapayapang lugar, ang mga tao ay tahimik na namumuhay at hindi nila inaasahan na isang araw may isang anghel na isinilang na ang pangalan ay Catherine at ako ito. Nagtataka ba kayo kung saan nanggaling ang aking pangalan? Ako ay si Catherine Paderes. Alam niyo ba na ang pangalang Catherine ay nanggaling sa isang Santo . Ang Santong ito ay si Saint Catherine of Alexandria kasi isinilang ako sa buwan ng Nobyembre sa petsang 24. Ang araw na ito ay desperas sa Fiesta dito sa Dumaguete City kaya Catherine ang pangalan ko.
Explanation: