INLIUINA SITUATION ANALYSIS PANUTO: Basahing mabuti at tukuyin kung anong yugto o hakbang sa pagbuo ng CBDRRM nabibilang ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

B. Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

C. Ikatlong Yugto: Disaster Response

D. Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

1. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.

2. Tumutukoy ito sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.

3. Dito nagaganap ang pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.

4. Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.​