I. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng mga ebidensiyang nakasulat, nakalarawan o naka-video? a. Nagpapahiwatig B. Nagpapakita c. Dokumentaryong ebidensiya d. Nagpapatunay / Katunayan 2. Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinapahayag. a. Kapani-paniwala B. Nagpapatunay / Katunayan c. Pinatunayan ng mga detalye d. Dokumentaryong edidensiya 3. Tumutukoy sa hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo na mga ebidensiya. a. Nagpapahiwatig B. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala d. Nagpapakita 4. Isang pahayag ng pagbibigay ng patunay na kung saan makikita mula sa mga detalye ang mga patunay. a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita 5. isang katunayang pinalalakas ang ebidensiya o impormasyon at totoo ang kongklusyon. a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita 6. Mga salitang naglalahad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay. a. Nagpapahiwatig c. Nagpapakita b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapatunay / Katunayan 7. Nakasaad sa mga salitang ito na ang mga patunay ay kapani-paniwala o makapagpapatunay. a. Nagpapakita b. Nagpapatunay / Katunayan c. Nagpapahiwatig d. Kapani-paniwala 8. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, maliban sa... a. Dokumentaryong ebidensiya c. Pinatutunayan na detalye b. Kakaibang Kongklusyon d. Kapani-paniwala 9 Alin sa mga sumusunod na mga pahayag sa pagbibigay ng patunay na nagsasabi na mahalagang masuri ang mga detaly para makita ang katotohanan sa pahayag? a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala b. Nagpapakita d. Dokumetaryong ebidensiya 10. Ito ay mga ebidensiyang makikita o mahahawakan na magpapatunay sa isang bagay. a. Kapani-paniwala c. Pinatutunayan ng mga detalye b. Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong ebidensiya