GAWAIN 1: Panuto: Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang salita o mga salitang pinag-uugnay nito. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang ginamit.
1. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila'y tunay na matulungin sa kapwa.
2. Bagama't nawala ang minamahal ay hindi niya inalintana para sa kapakanan ng kanyang bayan.
3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang isang mayabang na kaaway
4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga kalaban dahil sa kanyang angking talino.
5. Ang pagdating ng sarimbar ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa mamayan.​