Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate?

Sagot :

Answer:

Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate?

Ang yamang tao ay tumutukoy sa talino, kakayahan, lakas, dami, at ibang katangian ng tao .Isa rin ang panukat sa kaunlaran ng isang bansa ang antas ng pagkatuto o literacy rate. Ang literacy rate ay tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.Kung mataas ang literacy rate ng isang bansa mas mabilis yumaman ang isang bansa.

BAKIT KINAKAILANGANG MATAAS ANG LITERACY RATE NG ISANG BANSA?

• Upang maging kapaki-pakinabang at makatutulong sa pag-unlad ng bansa,  kailangan ay matutong magsulat, magbasa, at magbilang ang mga mamamayan.

• Upang maging madali ang pag-unlad at pagyaman ng isang bansa.

• Kapag may sapat na edukasyon ang tao nililinang nito ang kakayahang sumulat at bumasa ng tao.

• Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa tumataas ang kakayahang  makipag kompetensya sa ibang bansa lalong lalo na sa larangang pang-ekonomiya.

• Upang mawalan ang kamangmangan ng mga tao sa isang bansa.

ANG MGA MAYAYAMANG BANSA SA ASYA NA MAYROONG MATAAS NA LITERACY RATE AY ANG SUMUSUNOD NA MGA BANSA:

1.China

2. Singapore

3. Japan

4.India

5. Malaysia

Nagkakaroon lamang ng mataas ng literacy rate kapag mataas ang edukasyon at ang kalidad nito sa pamamagitan ng mataas na ratio ng mga estudyante at kabataan.    

Para sa karagdagang kaalaman buksan lamang link sa ibaba:

brainly.ph/question/188072

brainly.ph/question/425546

brainly.ph/question/1674329