Ang Bulkang Taal na kilala dahil sa kona (cinder cone) nito na naliliguran ng tubig o Taal Lake ay matatagpuan sa Rehiyon IV – A, partikular sa probinsya ng Batangas. Ang bulkang ito ay pangalawa sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa. Huling pumutok ang Bulkang Taal noong Oktubre hanggang Nobyembre ng 1977.