Answer:
Si Daniel Tria Tirona ay tu-mindig at tumutol sa pagkakahalal kay Andres Bonifacio, sa matuwid na mayroong ilang may lalong kakayahan sa gayong tungkulin at ito’y si Jose del Rosario ng Kabite, kilalang mana-nanggol. Dinamdam ni Andres Bonifacio ang nangyaring pagta-wad sa kanyang kakayahan kaya’t ipinagunitang hindi lahat ng mga nahalal ay may kakayahan o matatalino at sinabi pa rin na bago maghalalan ay pinagkaisahan nila na sino mang lumabas ay kanilang kikilalanin at igagalang. Dahil sa si Daniel Tria Tirona ay patuloy rin sa pagtutol kaya’t sa yamot ni Andres Bonifacio ay iniwan ang pulong, kasama ng iba niyang mga kabig at sinabi sa kalahatan na pinawawalan niya ng kabuluhan ang kinalabasan ng halalan.