Gawain 3: Basahin at matuto!
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu kailangan ang kasanayan sa
primarya at Sekundaryang
Sanggunian
Ano nga ba ang Primarya Sanggunian at Sekundaryang Sanggunian at ano nga
ba ang pagkakaiba nito sa isa't isa?
Maraming mga pangyayari o suliranin at mga isyu na ating kinakaharap ng
ating bansa ngayon. At malalaman natin ito sa iba't ibang paraan: makakukuha
tayo ng mga kaalaman sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, video sa youtube,
social media at mga text advisory. Mga kuwento ng mga tao hinggil sa isang isyu
at mga kumentaryo. Mahalaga ang sanggunian ng mga impormasyon sapagkat ito
ay nakatutulong para maunawaan natin ang mga pangyayari at isyu sa ating
bansa. At nakatutulong din ito sa paggawa ng ating mga desisyon tungkol sa
pakikilahok sa ibang proyekto ng paaralan at bansa,
Primaryang Sanggunian: ito ang pinagkukunan ng impormasyon ng mga orihinal
na talata ng mga pangyayari na isinulat ng mga taong nakaranas sa mga ito. Isa
sa mga halimbawa nito ay ang mga journal, legal na documento, guhit at larawan.
Sekundaryang sanggunian ito ay mga impormasyon o interpretasyon batay sa
primaryang sanggunian o ibang sekundaryang sanggunian na inilahad ng isang
taong walang kinalaman sa mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring
naitala. Ilan sa mga sekundaryang sanggunian ay ang mga tula, teksto, guhit at
mga nabuong sulat sa primaryang sanggunian tungkol sa mga pangyayari sa
pagsusuri ng datos.
Halaw: Learning Module AP 10, p.​