Sagot :
Answer: Ang kanyang termino ay minarkahan ng papalaking industriyalisasyon at paglikha ng mga imprastruktura sa buong bansa gaya ng North Luzon Expressway at Maharlika Highway. Ito ay ginawa ni Marcos sa pamamagitan ng paghirang ng isang gabinete na karamihang binubuo ng mga teknokrata at pagpapalaki ng pagpopondo sa Hukbong Sandatahan at pagpapakilos sa mga ito sa pagtulong sa konstruksiyon. Sinimulan ni Marcos ang pagpapatayo ng mga lansangan, tulay, paaralan, at mga health center na sinasabing nagbigay ng mga benepisyong pork barrel para sa kanyang mga kaibigan. Ang produksiyon ng kanin ay nasa kasagsagan nito na humantong sa pagiging sapat ng kanin sa bansa at nagawang makapagluwas ng kanin na nagkakahalagang 7 milyong dolyar. Ito ay nangyari dahil sa tulong ng mga pundasyong Rockefeller at Ford Foundations na dinala ni Marcos ang Rebolusyong Berde sa Pilipinas. Itinatag ng mga pundasyong Rockeller at Ford ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna kung saan direktor ang Amerikanong si Dr. Robert Chandler at pangunahing rice breeder ang Amerikanong si Dr. Henry Beachell. Ang isang nalikhang uri ng kanin o bigas ni Dr. Beachell ang IR8 na tinawag na miracle rice na gumawa sa Pilipinas at iba pang bansa na sapat sa kanin sa mga panahong ito.
Sa kanyang termino ay nakatanggap si Marcos ng malaking tulong pang-ekonomiya at pang-salapi mula sa Estados Unidos. Kanyang pinaikli ang kasunduan ng mga baseng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas mula 99 taon hanggang 25 taon. Noong Oktubre 1966, sa Pilipinas idinaos ang isang summit ng mga pitong bansa upang talakayin ang papalalang problema sa Vietnam. Hiniling ni Marcos sa Kongreso na magpadala ng mga sundalo sa Timog Vietnam. Nang imungkahi ng pangulong Diosdado Macapagal noong 1964–1965 na magpadala ng mga sundalo sa Vietnam, si Marcos ang nanguna sa pagsalungat sa planong pagpapadala ng mga sundalo sa Vietnam sa parehong mga kadahilanang legal at moral. Sa kabila ng mga pagsalungat laban sa plano ni Marcos, nagawa niyang makamit ang pagpayag ng Kongreso at ang pamahalaan ay nagpadala ng higit sa 10,000 mga sundalong Pilipino sa Vietnam sa ilalim ng PHILCAG (Philippine Civic Action Group). Kanyang nilagdaan ang Investment Incentives Act of 1967 at responsable sa pagsasabatas ng Decentralization Act na nagbibigay kapangyarihan sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na humirang ng mga pinuno ng opisyal na binayaran ng mga pondong lokal. Sa panahong ito na nabuo ang organisasyong pangrehiyon na ASEAN na lalaban sa bantang komunista sa rehiyon.
Explanation: