Ang PANGASINENSE ay tawag sa mga Pilipinong nakatira sa probinsiya ng Pangasinan sa hilagang Luzon. Pangwalo sila sa pinakamalaking etnolingguistikong grupo sa Pilipinas na tinatayang mga 1.5 milyon ang bilang nila.
Kilala ang mga taong ito sa pagiging masayahin, masisipag, magalang at mapagpatuloy. Ayon sa isang ulat, ang mga kababaihang Pangasinense ay kabilang sa mga magagandang kababaihang Pilipino, bukod pa sa mga magaganda nilang katangian.
Sa kasaysayan, may mga pangasinense rin na malalakas ang loob, matatalino at matatapang pa nga. Isa na rito si Urduja, Jose de Venecia, Fidel Ramos, Fernado Poe Jr., at marami pang iba.