A. Lagyan ng tsek ( ) ang bilang kung ang mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa ay wasto, at ekis ( X ) kung hindi wasto.
___________1. Iiwasan ang pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig.
___________2. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.
___________3. Ipagwawalang-bahala ang mga batas pangkalikasan.
___________4. Gawin ang programang 3Rs (reduce, reuse, recycle).
___________5. Hayaang nakabukas ang gripo kahit umaapaw na ang tubig sa balde.
B. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
________6. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis ito, Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa?
a. huwag pansinin c. ipagwalang bahala
b. makisali at suportahan ito d. ipakita ang pakikilahok paminsan-minsan
________7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamahal sa ating kalikasan?
a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran.
b. Itinatapon ko ang aming basura sa tabng ito kung gabi.
c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan.
d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.
________8. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura?
a. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid.
b. Pwedeng ire-cycle ang mga patapong bagay na susunugin.
c. Ang pagsusunog ng basura ay pwedeng magbunga ng maruming hangin sa kapaligiran.
d. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas.
________9. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at kaaayusan ng kapaligiran?
a. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
b. Palaging pagwawalis sa bakuran at kalsada.
c. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
d. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunod sa mga ito at pagrerecycle ng mga patapong bagay.
________10. Ano ang kahulugan ng “recycling”?
a. Paggamit muli ng mga patapong bagay na pwedeng mapakinabangan.
b. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
c. Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastic.