Saan nagsimulang magbago ang lahat? Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat? Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang? Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
Saan nagkulang ang aking pagmamahal? Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na? Ako ang kasama, pero hanap mo siya
At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na 'pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sa kaniya Huwag kang paluhain at alagaan ka niya
Saan natigil ang pagiging totoo Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako? Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba? Ako ang kayakap, pero isip mo siya
At kung masaya ka sa piling niya Hindi ko na 'pipilit pa Ang tanging hiling ko lang sa kaniya Huwag kang paluhain at alagaan ka niya
Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan? Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas
At kita naman sa 'yong mga mata Kung bakit pinili mo siya Mahirap labanan ang tinadhana Pinapaubaya, pinapaubaya Pinapaubaya ko na sa kaniya