Mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito dahil naniniwala tayo na ang Diyos lamang ang pinakamakapangyarihan at ang siyang tanging makakatulong sa atin sa mga oras na tayo ay nagigipit. Ang malakas na pananampalataya at paniniwala sa Diyos ang nagsisilbing dahilan kung bakit nagsisikap at nagpapatuloy sa buhay ang mga tao sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok. Ang paniniwalang tutulungan tayo ng Diyos ang mahigpit na pinanghahawakan ng mga Pilipino. Kalimitan sa mga krimen na nangyayari sa lipunan ngayon ay dahil sa mga taong kumakapit sa patalim dahil walang malakas na pananampalataya sa Diyos at hindi naniniwalang may Diyos. Sa halip na maging mabuting mamamayan at nagiging salot pa sila. Upang maiwasan ang pagdami ng ganitong uri ng tao, kailangang bata pa lang ay ipaintindi na natin sa kasapi ng pamilya ang kahalagahan ng malakas na pananampalataya.