6. Anong uri ng kuwentong-bayan ayon
sa paksa ang teksto?
Si Maria ay kilala sa pagiging
mapangarapin. Nang umabot sa limang
dosena ang mga itlog ng mga manok na
ibinigay sa kaniya ng manliligaw ay walang
oras na hindi nawawala sa kaniyang isipan
ang mga pangarap niyang bibilhin. Inayos
niya ang mga itlog at sinunong ito patungo
sa pamilihan. Masayang naglalakad nang
pakendeng-kendeng habang nangangarap ng
mga tela at bestidang kaniyang
pagkakagastusan, nang biglang nahulog sa
pagkakasunong ang limang dosenang itlog.
a. Mga kuwentong Mahika o Marchen
b. Mga kuwentong Trickster
c. Mga kuwentong Nobelistiko
d. Mga kuwentong Didaktiko at
Relihiyoso