Ang kahulugan ng katagang sumasapi ay maaaring maging isa sa mga sumusunod na salita:
1. Sumasali
2. Sumasama o humahawa
3. Pumapasok sa isang katawan
Narito ang ilang mga halimbawang pangungusap:
1. Nakita ko sina Cardo na sumasapi (sumasali) sa grupo ng Pulang Bandila.
2. Huwag mong pagsamahin ang mga de-kolor sa puti dahil sumasapi (humahawa) ang kulay nila sa puti.
3. Nakita ko ang demonyo habang sumasapi (pumapasok sa katawan) sa batang babae.