Sagot :
Explanation:
DO 81, S. 1987 – ANG ALPABETO AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO
August 6, 1987
DO 81, s. 1987
Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Sa: Mga Direktor ng Kawanihan
Mga Direktro ng Rehiyon
Mga Superiniente ng mga Paaralan an
Mga Pangulo Pampamahalaang Kolehiyo at Unibersidad
Mga Pinuno ng Pribadong Paaralan, Kolehiyo at Unibersidad
Kaugnay ng itinadhana ng Konstitustion ng 1986 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng Filipino bilang pambansa at pampamahalaan wika, at pag-ayon pa rin sa Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987 at pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa, ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating Sutian ng Wikang Pambansa), sa tulong ng mga linggwista/dalubwika, manunulat, propesor/guro at mga samahang pangwika, ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino.
Kalakip nito ang sipi ng bagong “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na magkakabisang kagyat.
Hinihiling ang pagpapaabot ng Kautusang ito sa lalong madaling panahon sa lahat ng mga kinauukulan sa larangan.
taffy927x2 and 1 more users found this answer helpful