MAPEH – PE V

Panuto: Punan ng TAMA ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad

ng tama at MALI naman kung hindi.

_____1. Ang kahutukan o flexibility ay kakayahang makaabot ng isang

bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at

kasukasuan.

_____2. Tatag ng Puso at Baga (Cardiovascular Endurance) ay

kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit

ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na

antas ng kahirapan.

_____3. Ang pagtakbo, paglalakad nang mabilis, pag-akyat sa

hagdanan ay mga halimbawa ng kahutukan o flexibility.

_____4. Tatag ng kalamnan (Muscular Endurance) ay kakayahan ng

mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit ulit na paggawa

(Halimbawa: pagtakbo, pagbuhat nang paulit-ulit)

_____5. Lakas ng kalamnan (Muscular Strength) ay kakayahan ng mga

kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang

beses na buhos ng lakas

_____6. Ang pagpalo nang malakas sa baseball, at pagtulak sa isang

bagay ay mga halimbawa ng tatag ng puso at baga.

_____7. Kahutukan (Flexibility) ay kakayahang makaabot ng isang

bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at

kasukasuan (Halimbawa: pagbangon sa pagkakahiga, pagbuhat ng

bagay, pag-abot ng bagay mula sa itaas)​