ang buwan at taon kong kelan sumiklab ang unang digmaan pandaigdig​

Sagot :

Answer:

Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I o pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan. Nagsimula ito noong ika-28 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo

Explanation:

Hope it helps po. Thank you and Pabrainliest po!

Answer:

July 28 1914

Explanation:

#CarryOnLearning

#Staysafe