Panuto: Sumulat ng isang talumpati tungkol sa pahayag sa ibaba. Ang talumpati ay dapat na may tatlong (3) bahagi----Simula, Gitna at Wakas. Bibigkasin ito habang naka - record at ipasa sa akin pagkatapos. Narito ang saknong na gagawan ng talumpati "Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad sa bait at muni't sa hatol ay salat, masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak​

Sagot :

ANG PAGTATALUMPATI

MGA LAYUNIN:

Matapos mabasa ang blog na ito, masisiguro ng bawat isa na:

malalaman ang tunay na kahulugan ng pagtatalumpati

mauunawaan ang kahalagahan ng talumpati sa paglinang ng kahusayan ng bawat isa sa tamang pagsasalita

magkakaroon ng sapat na kakayahan at lakas ng loob upang maging isang mabisang mananalumpati

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang paraan ng paghahanda.

Iba’t-ibang uri ng talumpati

1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.

Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati.

· Maglaan ka ng oras sa paghahanda

Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang oras na ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang panimula.

· Magkaroon ng tiwala sa sarili

Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang may tiwala sa sarili

· Magsalita nang medyo mabagal

Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano ang susunod mong sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbyos.

· Magpokus

Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang reaksyon ng mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig. Iwasang magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.

Halimbawa ng isang dagliang pagtatalumpati o improptu

2. Extempore – ayon kay James M. Copeland(1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay kulangin sa oras. Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at ang konklusyon ay apektado sa itinakdang oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa. Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tungkol sa magkakaparehong paksa. Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa.