Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at kung mali ang pangungusap guhitan ang salita o mga salitang mali at isulat ang tamang sagot sa patlang. 1. Korapsyon ang dahilan dahilan sa kasalukuyan kung bakit nangungutang ang pamahalaan sa International Monetary Fund, World Bank, mga lokal na bangko, at iba pang institusyong pananalapi. 2. Ayon sa record ng Philippine National Police, isang krimen ang nangyayari sa bansa sa bawat walong minuto kaya lumalabas na araw-araw ay may dalawang daang krimen ang nangyayari. 3. Ang Ombudsman ay may kapangyarihang magsiyasat at magsampa ng kaso laban sa tiwaling kawani o pinuno ng pamahalaan ayon sa tanggapan nito. 4. Ang mga basurang itinatapon sa mga ilog at kanal ang pangunahing dahilan ng polusyon sa tubig, gayundin ang mga kemikal na nanggagaling sa mga tining ng mga insecticide o pamatay ng insekto na karaniwang hindi natutunaw at naiipon lalo na sa mga ilog na hindi umaagos. 5. Ang pinakamalubhang sanhi ng polusyon sa hangin ay pagtatapon ng carbon, langis, plastik, at iba pang basura.​