Sagot :
Answer:
DIWA
Ano nga ba ang kahulugan ng diwa na pumapasok sa isip mo sa tuwing naririnig mo ito? Isip ba? Kahalagahan? Kaluluwa? Isa isahin nating ang mga kahulugan ng salitang diwa.
Ang DIWA ay ang kaisipan.
Ang diwa ay ang kaisipan na bumubuo sa isang tao. Ang diwa ang dahilan kung bakit marunong tayong umunawa, dumama at mangatwiran.
Umunawa sa mga pangyayari o hamon na dumarating sa ating buhay. Gaano man ito kabigat ay alam natin kung paano natin ito haharapin.
Dumama sa mga pagkakataon na alam natin kung paano mkibagay at sumimpatya sa mga tao sa paligid natin. Mayroon tayong diwa na nagsasabi sa atin kung ano ang tama sa mali. Diwa na gumagabay sa atin sa bawat bagay o desisyon na ating gagawin.
Mangatwiran dahil mayroon tayong sariling diwa, sariling kaisipan na may mga sariling paniniwala at kaaalaman na ating pinaglalaban.
Ang DIWA ay ang espiritu at kaluluwa.
Masasabi ding ang diwa ay espiritu at kaluluwa dahil ito ang sumasalamin sa sustansya o nilalaman ng tao, bagay o pahayag.
Ang ating diwa ay ang ating puso. Ang espiritu at kaluluwa ay kusang nakikita ng mga tao sa paraang bawat bagay na gawin natin ay pinapakita natin kung anong klaseng pagkatao mayroon tayo.
Ang espiritu at kaluluwa naman ng mga bagay ay ang kanilang kahalagahan. Ang diwa ay ang katuturan ng isang bagay.
Halimbawa ng diwa ng isang bagay:
brainly.ph/question/273249
Maging sa mga pahayag ay may espiritu at kaluluwa din. Ang diwa na sinasabi dito ay ang layunin na nais nitong iparating. Ito ang mensahe na pumapaloob sa isang pahayag.
Isang halimbawa ng diwa ng pahayag ay basahin sa link na ito.
brainly.ph/question/273249