Ano ang lugar sa mga NCR?

Sagot :

NCR o National Capital Region:

Ang mga lugar na kabilang sa NCR ay ang lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon, San Juan, Taguig, at Valenzuela . Ang mga lugar na ito ay tinatawag ding Metro Manila na siyang may pinakamalaking populasyon sa bansa. Sa mga lugar na ito karaniwang matatagpuan ang sentro ng politika, ekonomiya, sosyal, kultura, at edukasyon ng bansang Pilipinas.

Sa bisa ng Presidential Decree No. 940, idineklara ang Metro Manila bilang lugar ng pamahalaan samantalang ang Maynila o Manila ang naging kapital o sentro ng Pilipinas. Ang bawat lungsod na ito ay pinamumunuan ng mayor na residente ng nasabing lungsod at inihalal ng mga mamamayan ng naturang lungsod.

Keywords: NCR, Metro Manila

Mga Lungsod na Kabilang sa NCR: https://brainly.ph/question/75316

#LetsStudy