Answer:
1. Ang inobasyon ay tinatawag din na imbensyon. Ito ay ang paggawa ng isang bagay o kaya naman o serbisyo na kakaiba at wala pang kapareho sa iba.
Maaring ito ay bagong ideya, produkto, bagay, pamamaraan o serbisyo. Ito ang kadalasang nagiging kaibahan ng isang negosyo kaya naman sila ay mas tinatangkilik ng kanilang mga customer.
Ang inobasyon ay ginagawa din ng nag-iimbento bilang tugon o solusyon sa mga problemang kinakaharap sa paligid, Ito din ang nagbibigay ng ideya sa tao na magkaroon ng bagong pangangailangan at kagustuhan.
Halimbawa:
1. Ang drone ay makabagong kagamitan na naimbento upang masugpo ang mga bandidong kaaway.
2. Ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa tinatawag na paggamit ng politikal, kultural at pang ekonomiyang aspeto upang maka impluwensiya sa ibang mga bansa o mga bansa na dating nasakop. Ito ay maaaring sa mga paraan katulad ng globalisasyon, kapitalismo at pagtulong.