Masdan mo ang larawan. Ano ang iyong nakikita Saan galing ang bata? Ano ang dapat gawin ng batang katulad mo upang makatawid? Kanino ka dapat humingi ng tulong? Mahalagang malaman mo ang mga dapat mong gawin o isipin kung kailan ka dapat humingi ng tulong. Dapat din ang ibayong pag-ingat sa taong dapat hingan ng tulong lalo na kung hindi mo ito kilala. MD D. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa sagutang papel. Sumabit sa puno ang iyong laruang saranggola. 1. Ano ang una mong gagawin? 2. Kanino ka dapat hihingi ng tulong? 3. Bakit mahalagang humingi ng tulong sa mas nakatatanda sa iyo?