magsaliksik tungkol sa pagbabago ng manila bay ngayon​

Sagot :

Answer:

Ngayon muling naibalik ang nawalang kagandahan ng Manila Bay noon. Kaya sana ngayon pagyamanin at mahalin natin ang ating kalikasan

Explanation:

Ang Manila Bay ang isa sa pinaka-sikat at kilalang pasyalan at atraksyon ng maraming Pilipino sa Maynila na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Malate Manila. Ito ay isa ring atraksyong panturista noon at magpahanggang ngayon.

Ang Manila Bay ay para sa lahat, tunay na kasaya-saya at kaibig-ibig dito lalo na sa mga nagmamahalan o magsing-irog na nagdaraos ng espesyal na araw at nagsumpaan ng kanilang wagas at tunay na pagmamahalan habang sila ay nakaupo sa baybay dagat habang umiihip ang hanging malamig buhat sa karagatan , mga pamilya na namamasyal, mga nagbibisekleta at nag-jojogging, mga nagpapalipas lamang ng oras habang nakatanaw sa baybay dagat mga taong naghihintay upang masilayan lamang ang paglubog ng napakagandang araw. Dito masisilayan mo ang nakaka-manghang nilikha ng ating Panginoon na Maykapal dahil sa magandang anggulo ng langit kapag ang araw ay palubog na. Tunay na kasiya-siya at nakalilibang ang pamamasyal dito.

Pinakamakasaysayan ang Manila Bay sa lahat ng karagatang nakapaligid sa ating bansa, dahil dito sa isang pinakamalawak na anyong tubig ay dumaong na rin ang mga banyagang manlulupig noong unang panahon.

Sa kasalukuyang panahon natin, tila mo ang lahat nang nabanggit ay kabaligtaran sa tanawin noon. Ang Manila Bay na kahanga-hanga noon ay isa nang di kanais-nais na tanawin noong mga nakalipas na taon ngunit nalinis din at nabago sa pamamagitan ng pag-uutos ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Tunghayan ang ating artikulo kung paano naibalik ang tunay na ganda noon at ngayon ng Manila Bay.