"Hanggang dito nalang"
Pasensya na kung diko na kinaya
Pasensya na kung ika'y pinalaya
Pasensya na kung nadurog kita
Pasensya na kung nasaktan kita
Lahat nga talaga ay may hangganan
At may pinto sa dulo ng hagdanan
Tulad ng mga bulaklak na natutuyo
Naglalagas kapag hindi sinuyo
Pasensya na kung dito natapos
Palalayain na kita sa pagkakagapos
Pasensya na sayo aking PUSO
Sasaya ka din, huwag tayong susuko..