Kapag sinabing denotatibong kahulugan, ito ay tumutukoy sa
kasingkahulugan nito o ang ibang salitang tumutukoy dito. Kaya ang denotatibong kahulugan ng kamatayan
ay ang mga salitang tulad ng katapusan, wakas, walang kabatiran, konklusyon, napakaidlip
na tulog o ang pagkawasak.
Pwede ring sabihin na ang kamatayan ay kabaligtaran ng
buhay. Ibig sabihin ito ay kabaligtaran
ng anumang bagay na pwedeng gawin ng isang nabubuhay. Halimbawa, nagagawa ng mga buhay ang huminga,
kumain, magsalita at mag-isip pero ang mga iyan ay hindi kayang gawin ng
sinumang patay.
Ang isa sa mga denotatibong kahulugan nito na nabanggit na
ay ang napakaidlip na tulog. Sa ibang
pananalita, ang isang patay ay walang anumang nalalaman at tulad ng isang taong
maidlip na natutulog, siya ay walang anumang nalalamang bagay sa mga sandaling
iyon. Ganito ang paglalarawan ng Biblia
sa kamatayan dahil balang araw, itinuturo nito na bubuhaying muli ang mga patay
na nasa alaala ng Diyos.