Ano ang ibig sabihin ng lansakan


Sagot :

Ibig Sabihin ng Lansakan

Ang lansakan ay isa sa mga kailanan ng pangngalan. Ito ay kilala din sa tawag na maramihan. Ang ibig sabihin ng lansakan ay dami o bilang na pinagsama-sama ngunit ang bilang na tinutukoy ay hindi tiyak. Ito ay nagsasaad ng kaisahan, karamihan o kabuuan.

Mga Halimbawa ng Lansakan

Narito ang ilang halimbawa ng salita na ginagamit sa lansakan:

  • kawan
  • kumpol
  • hukbo
  • langkay
  • pulutong
  • klase
  • grupo
  • organisasyon
  • komite

Mga Halimbawang Pangungusap

  • Isang kumpol na ubas ang binili ni tatay.
  • Grupo-grupo ang lumahok sa rally laban sa presidente.
  • Nakita namin ang paglipad ng kawan ng ibon.

Para sa halimbawa pa ng Kailanan ng Pandiwa, bisitahin ang link:

https://brainly.ph/question/566118

https://brainly.ph/question/566117

#BetterWithBrainly