Sagot :
Answer:
Ang pagkakatulad ng Salawikain, Sawikain, at ng Kasabihan bukod sa matalinghaga, sila ay pare-parehas na nabuo sa matagal nang panahon. Ang pagkakaiba naman nila ay ang sawikain isang maikling pagpapahayag na karaniwang naglalaman ng mga payo o karunungan. Ang salawikain naman ay may direktang kahulugan ngunit malalim at matalinghaga ay tila patula ang pagkakabuo nito. At ang kasabihan naman ay binuo mula sa mga sabi-sabi o ideya ng mga sinaunang tao sa pang-araw-araw nilang buhay.
Explanation:
Bakit mahalagang malaman natin ang bawat isa nito?
Upang matutuhan natin kung ano talaga pagkakaiba at ibig sabihin ng bawat salitang ito. Isaisahin natin kung ano ngaba ang kahulugan ng bawat salitang ito at kung saan ito partikular na ginagamit.
Salawikain. (motto)
Ito ay isang pangungusap na naglalahad ng mga salitang kaugnay sa binabanggit na ideya o pangyayari. Ito ay may direktang kahulugan ngunit malalim at matalinghaga na tila patula ang pagkakabuo nito.
Mga halimbawang napapaloob nito:
1. Parirala.
2. Unlapi ng sanaysay.
3. Talumpati.
4. Kabanata.
5. Pasakalye.
6. May tinutularan.
7. Minsan mahalay ang paksa nito.
8. Isang maikling paksa.
9. Pagpapahayag ng isang gabay na alituntunin
10. Isang kasabihan.
Mga halimbawang pangungusap:
- “Ngayon ay sakripisyo, bukas ay mapapala mo.”
- “Ang pagkakaibigan, ay simula na ng pag-iibigan.”
- “Aanhin mo pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”
- “Walang matigas na tinapay, sa mainit na kape.”
- “Aanhin mo pa ang kayamanan, kung mapupunta din ito sa kasamaan.”
Ito ang mga iilang halimbawa ng salawikain. Kasama na sila sa kultura ng isang lugar o bansa. At nabubuhay na ang karamihan taglay ang paggamit ng salitang ito. Kadalasan ginagamit ang salitang ito sa paglalahad sa mga ideya ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa 5 pangungusap salawikain, ay maaaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/148653
Sawikain. (Idiom, watchwords at slogan)
Ang slogan ay ginagamit bilang patalastas na kaugnay ng mga produkto o serbisyo kung saan naging bahagi na ng anunsiyo. Sa pamamagitan din ng slogan ay makakakuha ka ng aral mula rito . Watchword naman ay isang salita na may kaugnayan sa salitang salawikain na nagpapahayag ng isang alituntunin o patakaran ng aksyon o isang babala, bukambibig o pananangis. Ang idiom naman ay mga salitang nagbibigay pahiwatig sa tunay na kahulugan nito.
Mga halimbawang napapaloob nito:
1. Paglalahad.
2. Pagsasalaysay.
3. Hudyat.
4. Maikling-katha.
5. Mga kasabihan.
Mga halimbawa at kahulugan (idiom):
- Nakapikit ng taimtim - nakatulog ng mahimbing.
- Naguguluhan - maraming iniisip.
- Tumatango - sumasang-ayon sa kausap.
- Nakaantabay sa minamahal - nag-aantay sa kanyang papakasalan.
- Pag-iisang dibdib - araw na ng pagpapakasal.
Mga halimbawa (watchwords):
- “Sabihing walang uurong!”
- “Kapayapaan makakamtan.”
- “Wala ng paghihirap sa mga nagsisikap.”
- “Huwag hayaang mahulog.”
- “Babala para sa lahat!”
Mga halimbawa (slogan):
- “Napakahalaga ang produktong ito, dahil gaganda kayo.”
- “Piliin niyo lang kami, at hindi kayo magsisi.”
- “Halina't magsama-sama tayo, upang kaunlara'y maipapatayo.”
- “Mag-aaral kayo ng mabuti, ng uunlad ay dadami.”
- “Subukan niyong unawain, upang kaalama’y mapapalawak din.”
Iilan lamang ito sa mga halimbawa ng sawikain. Nagpapatunay lamang na pwedeng lagyan ng kahulugan ang bawat salita.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa five examples of sawikain, ay maaaring tingnan lamang ang link na ito. https://brainly.ph/question/124841
Kasabihan. (saying)
Ang diwa nito ay kadalasan ginagamit sa mga sinaunang tao sa pang-araw-araw nilang buhay.
Mga halimbawang napapaloob nito:
1. Pananalita.
2. Bukambibig.
3. Pangungusap.
Mga halimbawang pangungusap:
- Ang kaligayahan ay wala sa kagandahan at kayamanan, ito'y sa pagiging kontento.
- Ang kasamaan ay bunga ng walang takot sa Diyos.
- Walang mahirap sa pagsubok na pinaglalabanan.
- Matalino man ang isa ngunit nalamangan naman ng dalawa.
- Ang kasamaan ay di oobra kung sa Diyos ka magtitiwala.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa what is the meaning of kasabihan, ay maaaring lamang tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/128253