E
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4
PAG-AANALISA NG MGA PANGYAYARI. Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning
Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Pag-aalsa ni Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw
ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang
kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762 ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela
ang pag-aalsa ng siya ay masawi.
2.
2. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa
sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
3. Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista na
taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-Samar. Sa pamumuno
ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nia ang mga simbahan at namundok bilang
mga rebelde,