"Kailangan Pala Kita!"
Kuwento ni: Mariciel B. Juson
Natapos ang klase ni Joy ng alas-12 ng tanghali. Kumain na muna siya ng tanghalian kasabay
ang kanyang pamilya. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna siya at saka niya ginawa ang
kanyang mga takdangaralin.
3
Kuya, may diskyunaryo ka bang tagalog?" tanong niya. Sagot naman ng kanyang kuya,
Oo, kuhanin mo sa book shelf natin at hanapin mo doon." "Kailangan ko rin ng ensayklopedya at
almanake para sa iba ko pang mga asignatura." dagdag ni Joy. "Basta, hanapin mo lang doon ang
mga kakailanganin mong mga sanggunian sa iyong pagsasaliksik at kung mayroon kang hindi
maunawaan sa iyong pagsasaliksik agad mo akong tawagin.", tugon ng kanyang kuya.
Agad-agad na hinanap ni Joy ang mga sanggunian na kanyang kailangan sa kanilang book
shelf. Tinawag na rin niya ang kanyang kuya upang ipaliwanag sa kanya ang mga ibang bagay na
hindi niya lubos na maintindihan. Tinuruan na rin siya kung paano gamitin ang mga ito at laking tuwa
niya dahil sa kanyang kuya ay marunong na siyang gumamit ng ensayklopedya at almanake. Tanging
alam lamang niya ang paggamit ng diksyunaryo. Natapos ni Joy ang kanyang mga gawain at
nagpasalamat siya sa kanyang mabait na kuya.
Biglang may naalala pa si Joy. "Tatay, nasaan po ang pahayagan na binili mo kaninang
umaga? Kailangan ko po ang balita tungkol sa nangyayari sa ating bansa. Mag-uulat nga pala ako sa
aming klase bukas." tanong ni Joy, "Kunin mo sa ibabaw ng lamesita at tapos ko na iyon basahin.",
sagot ng tatay. Agad na tumalima si Joy at ginawa niya ang kanyang iuulat sa klase bukas.
Masayang-masaya si Joy at natapos na niya lahat ang kanyang mga takdang aralin.
"Kailangan pala kita!" sabay napangiti si Joy.
"Marami akong nakuhang mga impormasyon sa iba't ibang sanggunian sa aking
pagsasaliksik." sambit pa niya sa kanyang sarili.
Gawaing sa Pagkatuto Bilang1: Sagutin ang sumusunod na mga tanong ayon sa binasa.
1. Ano-ano ang mga hinanap ni Joy?
2. Bakit niya kailangan ang mga ito?
3. Sa paanong paraan siya tinulungan ng kanyang kapatid?
4. Mula sa pahayagan, tungkol saan ang iuulat niya sa klase?
5. Bakit nasabi niya sa kanyang sarili na, "Kailangan pala kita!"​