Ano ang katuturan at limang tema ng Heograpiya?

Sagot :

Ang heograpiya ay itinuturing na sistematikong pag-aaral o agham ng mga lokasyon sa mundong ibabaw.

Ang katuturan nito ay ang pagtalakay dito ng distribusyon ng likas na yaman, ang pagsusuri tungkol sa mga tao sa ibabaw ng lupa, pag-aaral ukol sa mga lugar at lipunan sa mundo kasama ang relasyon ng mga tao sa kalikasan. Sa pangkalahatan, ang heograpiya ay pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig.

Narito ang malawak na pagtalakay sa kung ano ang katuturan at limang tema ng Heograpiya:

 

LOKASYON (location or position on the earth's surface)

Tumutukoy ang lokasyon sa kaugnayan ng mga lokasyon sa isang lugar. Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar o ng isang tiyak na lugar sa ating daigdig.  May tinatawag na Lokasyong Absolute o Global Location na tumutukoy sa lokasyon gamit ang mga imahinasyong linyang longhitud at latitud na bumubuo sa mga hirayang grid ng ating mundo. Ang Relatibong Lokasyon naman ay tawag sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang pook gamit na batayan ang mga lokasyon o mga lugar na nasa paligid nito, mga lugar na malalapit dito, at mga dagat at karagatan na sumasakop dito.



REHIYON (region)

Pinag aaralan itong sadya ng mga heograper para matukoy ang hitsura at kaibahan o pagkakaiba sa mga katangiang pisikal ng isang tukoy na pook o lugar. Ang mga rehiyon ay ang mga bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakaparehang katangiang pisikal o kultural.

 

LUGAR (place)

Tumutukoy naman ito sa mga katangian ng lugar o pook. Ang mga katangiang pisikal ng mga lugar gaya ng mga anyong lupa at anyong tubig, klima, uri ng lupa, halaman o pananim, at mga nabubuhay na hayop ay isa sa mga pinag-aaralan sa heograpiya. Ang katangian ng kinaroroonan at ang katangian ng mga taong naninirahan sa lugar ay dalawang uri ng pagsusuri ng katangian ng isang lugar. Ang una o ang katangian ng kinaroroonan ay tumutukoy sa mga klima, mga anyong lupa, mga anyong tubig, at pati ang mga likas na yaman sa isang lugar. At ang huli o katangian ng mga taong naninirahan ay tumutukoy naman sa mga wika ng mga tao, kanilang mga paniniwala o ang kanilang mga relihiyon. Pati ang densidad o dami ng mga taong naninirahan at mga tradisyon at kultura ay kasama rito. Maaari ring isama ang mga sistemang politikal.

 

 

INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN (Human and/or Environment Interactions)

Tumutukoy naman ito sa pagbabago-bagong ginagawa ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Sistematikong pag-alam ng kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang tinitirhan ang heograpiya. May iba’t ibang uri ng interaksyon gaya ng mga pagsalalay o sa Ingles ay dependence, may pag-ayon o sa Ingles ay adaptation, at mayroon ding pagbago na sa Ingles ay modification.

 

 

PAGGALAW NG TAO (movement or how humans Interact on the earth)


Pagtukoy ito sa mga paggalaw at paglipat ng mga tao mula sa kanyang tinubuang lupa patungo sa iba pang mga lugar. Naipapaliwanag sa paggalaw ng tao ang kahalagahan ng mga epekto ng kanyang paglipat-lipat sa mga lugar sa daigdig. Maging ang mga paglipat ng mga bagay at mga likas na pangyayari ay nasusuri katulad na lang ng mga mga hangin, ulan, nyebe, at mga bagyo. Ang unang uri ng paggalaw ng tao ay ang paggalaw ng mga produkto at mga kalakal samantalang ang pangalawang paggalaw ng tao ay ang paggalaw ng mga impormasyon at mga ideya.

 

 Tingnan ang ibang kasagutan ditto: https://brainly.ph/question/119635

 

****************

Dagdag kaalaman! Tingnan ang mga link sa ibaba:

Anu ang mga saklaw ng heograpiya? - https://brainly.ph/question/118881

Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng daigdig? -
https://brainly.ph/question/122606