Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Alam mo ba ang mga batas sa daan, kapaligiran at kalusugan? Basahin
ang kwento at alamin ang paksa nito.
Pananagutan ni Norman
Isang Hwebes ng hapon, masayang masaya si Norman ng dumating sa
kanilang bahay. Napansin ito ng kanyang ina at nagtanong" Bakit ka masaya.
Normand "Sinagot naman itong nakangiti ng batang si Norman. " Inay masaya
po ako dahil sa mga bagong natutuhan ko sa dinaluhan kong convention
kanina,
"Ganon ba anak. Tungkol saan ba ang convention na iyon?"
88
Tungkol po sa mga batas sa ating bansa, Nay. Napakarami po palang
mga batas sa ating bayan na kailangan nating tuparin dahil ginawa ang mga
ito para sa ating kapakanan. Medyo nakalulungkot nga lang po na marami sa
ating mga kababayan ang hindi sumusunod sa batas. Mas pinipili nilang
sumuway kesa sa sumunod. At ang ganitong bagay ang kadalasang nagiging
dahilan ng kapahamakan at kagulihan sa paligid natin."
"Sang-ayon ako sa itinuro sa inyo. Totoo na maraming tao ang hindi
sumusunod sa mga batas. Hindi ko lang sigurado kung ito ay hindi nila alam
ang batas o alam nila ngunit ayaw lang talaga nilang sumunod dito. Ang tingin
kong dahilan sa ganoong pangyayari ay kawalan ng disiplina sa parte ng ilang
mga tao. Kapag alam mo kung ano yung mga bagay na inaasahan sa iyo ng
lipunang kinabibilangan mo at hindi mo iyon isinasakatuparan, walang dahilan
para hindi ka sumunod. At kung sakaling hindi ka talaga nakasusunod sa mga
batas, may mali sa iyong pagpapahalaga."​