1. ano ang angkop na paalaala na maaaring Mabasa ng isang pasahero sa loob ng sasakyan?
a. Ang di magbayad walang problema
Sa karma pa lang bayad ka na.
b. Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Itapon sa ilog.
c. Pungpung kasile
Ipinanganak sa kabibe
d. Putak putak
Batang duwag !
Matapang ka't nasa pugad !
2. piliin ang nawawalang salita na kailangan upang mbuo ang diwa ng nasabing tugmang de gulong.
"Sitsit ay sa aso
"Katok ay sa pinto
________ ang para
sa tabi tayo'y hihinto.
a. isenyas
b. isigaw
c. sambitin
d. sundin
3. ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper ng mga pasahero sa dyip, bus, at iba pang transportasyon?
a. tugmang padula
b. tugmang patula
c. tugmang tuluyan
d. tugmang de gulong
4. alin sa kasunod na mga tula ang halimbawa ng tulang anudyo?
a. "Ale, aleng namamangka
Isakay mo yaring bata
Pagdating mo sa Maynila
Ipagpalit ng kutsinta"
b. "Barya lang po sa umaga."
c. "pung, pung kasili
Ipinanganak sa kabibe
Anong anak?
Babae!
d. "Tabi-tabi po,apo
Baka po kayo ay mabunggo"
5. ano ang angkop na salitang dapat ipuno sa kasunod na patlang upang mabuo ang ideya?
"Aanhin ang gasolina,
"Kung ang _______ ay sira na
a. Jeep
b. Kotse
c. traysikel
d. bisikleta