Gawain 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang letra na tamang sagot. Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghihinuha sa mga pangungusap. 1. Ang mga taong hindi sumusunod sa pinaiiral na batas ngayong pandemya ay di malayong tamaan ng sakit na COVID-19. 2. Baka dumami ang magkasakit sa lugar na ito dahil hindi napaiiral ang social distancing. 3. Ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan ay tila umaabuso sa kapanyarihan ngayong panahon ng pandemya. 4. Sa palagay ko ay magkakaroon na ng lunas sa COVID-19 dahil patuloy ang pagtuklas ng mga eksperto ng tamang gamot. 5. Marahil ay magiging maayos na ang ating bansa sa susunod na taon dahil nababawasan na ang bilang ng mga taong may sakit na COVID-19.